Ang Barong Tagalog
Ang kasuotan ko noong Buwan ng Wika
Ang Barong ay isang pormal na kasuotang ginagamit ng mga Pilipino tuwing may mga okasyon.. Ito ay mas kilala sa pangalang "barong" na mula sa salitang "baro" na ang ibig sabihin ay damit o "dress."
Ang Barong Tagalog ay gawa sa mga iba't - ibang materyales na tinatawag na "jusi" na mula sa balat ng saging. May mga Barong Tagalog din na gawa sa balat ng pinya. Ito ay ang mga barong na tinatawag ng karamihan na "piƱa barong." Ang mga materyales na ito ay hinahabi para makagawa ng telang pambarong.
Sa kulturang Pilipino ngayon, ang Barong ay ginagamit na uniporme ng mga mangagawa sa pamahalaan at sa ibang mga pribadong opisina. Ang mga mamahalin at mas magarbong barong ay ginagamit sa mga espesyal na okasyon, kagaya ng kasalan, binyagan at pistahan. Ito ay naiiba noong panahon na kung saan ang barong ay sinusuot ng mga Pilipinong mababa ang kalagayan sa lipunan.
Ang tuntunin na ito ay may praktikal at kagamitang pansosyal. Lahat ng materyales na ginagamit sa paggawa ng barong ay kinakailangang manipis na halos makita ang katawan ng nagsusuot. Ang dahilan nito ay para maiwasan ng mga Pilipino ang magtago ng anumang sandatang puwedeng magamit laban sa mga kastila. Ipinagbawal din ang paglagay ng mga bulsa. Ang patakarang ito ay naghubog sa kasalukuyang disenyo at itsura ng barong.
Comments
Post a Comment